Munting tiririt, may tumbaga sa puwit. | alitaptap |
Munting tampipi, puno ng salapi | alkansiya |
Heto, heto na, malayo pa'y halakhak na. | alon |
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. | ampalaya |
Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. | anino |
Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig. | asin |
Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo. | aso |
Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao. | atis |
Sa araw ay nagtataboy, sa gabi ay nag-aampon. | bahay |
Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa. | balimbing |
Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. | ballpen o pluma |
Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan. | bangka |
Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. | banig |
Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. | baril |
Uka na nga ang tiyan, malakas pang sisigaw. | batingaw |
Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. | batya |
Hindi prinsesa, hindi reyna, bakit may korona? | bayabas |
yumuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona | Bayabas |
Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona. | bayabas |
Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. | bayong o basket |
Isang balong malalim, punong-puno ng patalim. | bibig |
Halina’t gabi na, sulong at umaga na. | bintana |
Itinanim sa kagabihan, inani sa kaumagahan. | bituin |
Sinakal ko muna, bago ko nilagari. | biyolin |
Nagbibigay na, sinasakal pa. | bote |
Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin. | duhat |
Tangan-tangan sa umaga, Galaw ng bansa ay nakikita. | dyaryo |
maliit pa si nene marunong ng manahi. | gagamba |
Nagbahay si Meling, walang haliging itinanim, sinulid lang ang dingding. | gagamba |
Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. | gamu-gamo |
Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. | gumamela |
Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. | gunting |
Kung di lamang sa bibig ko, ay nagutom ang barbero. | gunting |
Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay. | ilaw |
Binili ko nang di kagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalaman | kabaong |
Ang ina ay gumagapang pa, ang anak ay umuupo na. | kalabasa |
Dalawang patukod-langit, Apat na patukod-lupa, Dalawang pagaspas, Isang pamaspas. | kalabaw |
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. | kamiseta |
Sanga-sanga, buko-buko; nagbubulaklak at di nagbubuko, naglalama’y walang buto. | kamote |
Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. | kampana o batingaw |
Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. | kandila |
May katawan, walang mukha. Walang mata’s lumuluha. | kandila |
Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. | kasoy |
Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. | kulambo |
Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. | kuliglig |
Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan. | kulog |
May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan. | kumpisalan |
Aling paa ang nasa ulo? | kuto |
Kung kailan tahimik, saka nambubuwisit. | lamok |
Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. | langgam |
Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako. | langka |
Gintong binalot sa pilak; Pilak na binalot sa balat. | lansones |
Tubig na pinagpala, kapag natuyo ay muta | luha |
Bunga na ay namumunga pa. | mais |
Kung bayaa’s nabubuhay, kung himasi’y namamatay. | makahiya |
Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin. | mangga |
Dalawa kong kahon, buksan walang ugong. | mata |
Limang puno ng niyog, isa'y matayog. | mga daliri |
Dalawang batong itim, malayo ang nararating. | mga mata |
isang bola pito (7) ang butas | mukha |
May langit, may lupa, May tubig, walang isda. | Niyog |
may kamay walang paa may mukha walang mata | orasan |
Dalawang magkaibigan, unahan nang unahan. | paa |
Eto na ang magkapatid, Nag-uunahang pumanhik. | aa |
Nagtago si Pedo, Labas pa ang ulo | pako |
Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato. | papaya |
Hindi hari hindi pari, kulay ng suot ay sari-sari. | paru-paro |
Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan | pinya |
Isang magandang dalaga, hindi mabilang ang mata | pinya |
Maliit na bahay, puno ng mga patay. | posporo |
Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo | pusa |
Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin. | saging |
Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. | sampayan |
May puno walang bunga may dahon walang sanga. | sandok |
May puno walang bunga, may dahon walang sanga. | sandok |
Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. | sapatos |
Dala ko siya, dala niya ako | sapatos o tsinelas |
Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad. | saraggola |
Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. | sinturon |
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. | siper |
Paruparo nang bata, naging ahas nang tumanda. | sitaw |
Sinusuotang pitong lungga ng pito-pito ring daga. | sungka |
Nang bata pa ay apat ang paa, nang lumaki ay dalawa, nang tumanda ay tatlo na. | tao |
Dalawang balon, hindi malingon. | tenga |
Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. | tenga |
Dalawang prinsesa, labas pasok sa lungga. | uhog |
Kapag nag-iisa ay tamad, kapag marami ay masipag. | walis tingting |
Nagdaan si Tarzan, nabiyak ang daan. | zipper |
Lunes, Pebrero 20, 2012
Mga Bugtong
Kaisa's Alphabet
I will be using this blog as an online folder for my kids' homework and for future references. Feel free to access our pages and use them for school as well. Happy learnings!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)