Lunes, Pebrero 20, 2012

Mga Bugtong

Munting tiririt, may tumbaga sa puwit.  alitaptap
Munting tampipi, puno ng salapi alkansiya
Heto, heto na, malayo pa'y halakhak na.  alon
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. ampalaya
 Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. anino
Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig.  asin
Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo. aso
Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao.  atis
Sa araw ay nagtataboy, sa gabi ay nag-aampon.  bahay
Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa. balimbing
Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. ballpen o pluma
Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan.  bangka
Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. banig
Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. baril
Uka na nga ang tiyan, malakas pang sisigaw. batingaw
Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. batya
Hindi prinsesa, hindi reyna, bakit may korona? bayabas
yumuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona Bayabas
Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona. bayabas
Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. bayong o basket
Isang balong malalim, punong-puno ng patalim. bibig
Halina’t  gabi na, sulong at umaga na.  bintana
Itinanim sa kagabihan, inani sa kaumagahan.  bituin
Sinakal ko muna, bago ko nilagari.  biyolin
Nagbibigay na, sinasakal pa. bote
Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin. duhat
Tangan-tangan sa umaga, Galaw ng bansa ay nakikita. dyaryo
 maliit pa si nene marunong ng manahi. gagamba
Nagbahay si Meling, walang haliging itinanim, sinulid lang ang dingding. gagamba
Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. gamu-gamo
Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. gumamela
Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. gunting
Kung di lamang sa bibig ko, ay nagutom ang barbero. gunting
Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay. ilaw
Binili ko nang di kagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalaman  kabaong
Ang ina ay gumagapang pa, ang anak ay umuupo na.  kalabasa
Dalawang patukod-langit, Apat na patukod-lupa, Dalawang pagaspas, Isang pamaspas.  kalabaw
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. kamiseta
Sanga-sanga, buko-buko; nagbubulaklak at di nagbubuko, naglalama’y walang buto.  kamote
Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. kampana o batingaw
Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. kandila
May katawan, walang mukha. Walang mata’s lumuluha. kandila
Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. kasoy
Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. kulambo
Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. kuliglig
Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan. kulog
May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan. kumpisalan
Aling paa ang nasa ulo? kuto
Kung kailan tahimik, saka nambubuwisit. lamok
Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. langgam
Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako. langka
Gintong binalot sa pilak; Pilak na binalot sa balat.  lansones
Tubig na pinagpala, kapag natuyo ay muta luha
Bunga na ay namumunga pa. mais
Kung bayaa’s nabubuhay, kung himasi’y namamatay. makahiya
Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung kainin. mangga
Dalawa kong kahon, buksan walang ugong.  mata
Limang puno ng niyog, isa'y matayog.  mga daliri
 Dalawang batong itim, malayo ang nararating. mga mata
isang bola pito (7) ang butas mukha
May langit, may lupa, May tubig, walang isda. Niyog
may kamay walang paa may mukha walang mata orasan
Dalawang magkaibigan, unahan nang unahan. paa
Eto na ang magkapatid, Nag-uunahang pumanhik.    aa
Nagtago si Pedo, Labas pa ang ulo pako
Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato. papaya
Hindi hari hindi pari, kulay ng suot ay sari-sari. paru-paro
Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan pinya
Isang magandang dalaga, hindi mabilang ang mata pinya
Maliit na bahay, puno ng mga patay. posporo
Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo pusa
Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin. saging
Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. sampayan
May puno walang bunga may dahon walang sanga. sandok
May puno walang bunga, may dahon walang sanga. sandok
Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. sapatos
Dala ko siya, dala niya ako sapatos o tsinelas
Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad. saraggola
Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.  sinturon
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. siper
Paruparo nang bata, naging ahas nang tumanda. sitaw
Sinusuotang pitong lungga ng pito-pito ring daga. sungka
Nang bata pa ay apat ang paa, nang lumaki ay dalawa, nang tumanda ay tatlo na. tao
                                                          
Dalawang balon, hindi malingon.  tenga
Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. tenga
Dalawang prinsesa, labas pasok sa lungga.  uhog
Kapag nag-iisa ay tamad, kapag marami ay masipag. walis tingting
Nagdaan si Tarzan, nabiyak ang daan. zipper

1 komento:

  1. Mahirap palang maghagilap ng mga bugtong sa internet. Masuwerte nang makakuha ng 5 hanggang 20 sa isang site. Heto ang higit 80 bugtong na nakalap ko mula sa iba't ibang site. Dalawang beses na naming kinailangang magpasa ng mga bugtong sa takdang aralin sa Filipino. Malamang ay magiging bahagi pa rin ng mga susunod na mga takdang aralin ang mga bugtong. Heto ang aking listahan. Madaragdagan pa ityan sa mga susunod na panahon, yaman rin lang at napakaraming mga bugtong ang nabuo na ng mga ninuno natin, at marami pang bugtong ang mabubuo sa mga darating na panahon.

    TumugonBurahin